PAGBALIK NG BASURA SA KOREA NA-DELAY

korea

(NI BERNARD TAGUINOD)

NA-DELAY ang pagbabalik ng tone-toneladong basura sa South Korea dahil hindi agad dumating ang barkong magsasakay dito.

Ito ang kinumpirma ni Misamis Oriental Rep. Juliete Uy dahil sa halip na noong Enero 9 ibalik ang mga mahigit 6,000 tonelada ng basura sa nasabing bansa ay sisimulan pa lamang itong gawin sa Linggo, Enero 13.

Ayon kay Uy, sa Linggo umaga pa lamang darating ang MV “KALLIROE V852S” na magsasakay sa unang batch ng basurang ibabalik sa pinanggalingang bansa kaya nadelay ito.

“I was informed by BOC collector John Simon of the Mindanao International Container Port that the scheduled January 9 shipping out of the 51 containers of garbage was delayed for just a few days because the container ship  (MV “KALLIROE V852S”) that will return the container vans to South Korea will be arriving only on the morning of January 13, Sunday,” ani Uy.

Ang 51 container na unang ibabalik ay naglalaman ng 1,500 tonelada ng basura na dumating sa bansa noong nakaraang taon at magkakaroon umano ng seremonya dito sa Linggo.

Nabatid na umaabot sa 6,500 metriko- tonelada ng basura ang dumating sa bansa subait hindi lang isang hakutan ang mangyayari dahil 1,500 tonelada lang ang unang ibabalik.

Pumayag ang South Korea na bawiin ang mga nabanggit na basura kung saan ang kanilang gobyerno na ang mismong gagastos para ibalik sa kanilang bansa ang mga ito.

Pumalag ang Pilipinas lalo na ang mga environmentalist group sa mga basurang dumating  noong nakaraang taon mula South Korea dahil hindi umano basurahan ang bansa.

 

4

Related posts

Leave a Comment