PIRASO NG BARIL, BALA SA BATOCABE SLAY NABAWI SA POSO NEGRO

poso

NABAWI ng Philippine National Police (PNP) ang ilang bahagi ng kalibre .45 pistola na sinasabing ginamit sa pagpaslang kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe sa isang poso negro sa Zone 5, Barangay Sto. Nino, Pili, Camarines Sur.

Sinabi ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) PSSupt. Arnold Ardiente na kasamang nabawi ang pistol slide at barrel; dalawang magazine; at 20 bala. Nakita umano ito sa poso negro sa likod ng bahay ni Emmanuel Roselo, isa sa mga driver ng grupong pumatay kay Batocabe at sa police escort nito noong December 22.

Ang mga piraso ng ebidensiya ay nasa ilalim na ngayon ng kostodiya ng PNP Crime Laboratory Office sa  Camarines Sur.

7

Related posts

Leave a Comment