ANAK NI DIOKNO ‘KAKALADKARIN” SA KAMARA

justine

(NI BERNARD TAGUINOD)

PADADALUHIN  sa imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa flood control project scam ang anak ni Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno.

Ito ay matapos padalhan ng House committee on Rules na pinamumunuan ni House Majority leader Rolando Andaya Jr., ng imbestasyon si Diokno kasama ang kanyang anak na si Charlotte Justine Diokno-Sicat, para dumalo sa imbestigasyon sa nasabing usapin sa Enero 15.

Una nang sinabi ni Diokno na hindi ito dadalo sa imbestigasyon ng Kamara dahil hindi ito pinapayagan ng Executive branch subalit umaasa si Andaya na magbabago ang isip ng kalihim kaya pinadalhan pa rin ng imbitasyon.

Inimbitahan din ng komite ang asawa ni Charlotte Justine na si Romeo “Jojo” Sicat Jr., ina nito na si Sorsogon Vice Gov. Ester Hamor at step-father na si Casiguran, Sorsogon Mayor Edwin Hamor.

Si Charlotte Justine ay professor sa Virata School of Business sa University of the Philippines (UP).

Umaasa rin ang komite na dadalo ang iba pang opisyales sa Aremar Construction tulad ni Maria Minez Hamor para magbigay linaw sa mga proyektong nakuha umano ng kanilang kumpanya sa pamamagitan ng umano’y dummy.

5

Related posts

Leave a Comment