INAASAHAN na lalo pang magiging maganda at mabilis ang transaksyon sa limang ports ng Bureau of Customs (BOC) matapos makumpleto nila ang 2020 Time Release Study (TRS) nitong nakalipas na taon.
Kabilang sa limang ports ay ang Port of Manila (POM), Manila International Container Port (MICP), Port of Davao, Mindanao International Container Terminal (MICT) sa Cagayan de Oro at Port of Zamboanga na kung saan ay napag-alaman na nagkakaroon ng mga pagsisikip (bottlenecks) sa cargo clearance at release time.
Ang TRS ay nagpapakita ng lahat ng ports ng oras para sa proseso ng imported cargo ng Bureau na may avarage lamang mula 1 araw, 22 oras at 9 minutos (MICP); 2 araw, 9 oras at 44 minutos (POM); 2 araw, 15 minutos at 37 minutos (Port of Davao); at 1 araw, at 5 minutos (MICT).
Wala namang containerized cargo, na dumating sa Zamboanga sa panahon ng TRS period.
Para sa exports, ang mga natuklasang ipinakitang madaliang proseso ng shipments na may time average lamang ng 27 minutos at 34 segundo (MICT); 1 araw, 11 oras, 16 minutos (Zamboanga); at 21 oras, 21 minutos, 9 segundo (Port of Davao); 14 oras at 2 minutos (Port of Manila) at 7 minutos, 48 segundo (MICP).
Ang ipinakitang pag-aaral ay nagpabuti sa proseso ng BOC dahil na rin sa mga bagong hakbang bukod pa sa pag-iral at pagpapatakbo ng makabagong Customer Care Center (CCC).
Para sa BOC, ito ay may layuning maitaguyod ang ease for doing business in a secured manner at maisagawa ang Goods Declaration and Verification System (GDVS) na makapagbibigay ng first-in at first-out queuing system na makakapagbigay ng real-time update sa status ng lahat ng ipinapasok o idinedeklarang mga produkto.
Kaugnay nito, ang Document Tracking System (DTS), ay nagbibigay daan sa online monitoring at tracking sa lahat ng mga dokumento na natanggap at nabuo ng BOC offices.
Sa wakas, ang pansamantalang pag-release ng shipments ay pinapayagan din sa inisyung Customs Memorandum Order No. 07-2020 na nagbibigay daan sa proseso ng provisional goods declaration (PGD) sa ilalim ng Formal Entry System.
Dahil dito, ang computerization ay nagpapaganda sa risk management system sa Bureau na nakapagbibigay rin ng mabilis na proseso ng shipments.
Ang TRS ay nagpapakita rin na kung mayroon mang pagkaabala ng paglalabas ng shipments ay hindi sa loob ng huridiskyon ng customs kundi sa aktuwal na nangyayari sa formal lodgement ng deklarasyon.
Ang TRS Report ay kasalukuyang tinatrabaho para mailagay sa Customs website bilang parte ng requirement ng ASEAN at para na rin sa public information.
Kinilala naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ang TRS na malaking tulong sa pagpapahusay ng kalakalan at pagtukoy sa ibat-ibang mga kadahilanan na nakakaapekto sa ports operation.
“By identifying the problems and so-called bottlenecks in customs processes and procedures, appropriate solutions or policies can be put in place and we can accomplish our goal of being world-class at the soonest possible time”, ani Guerrero.
Ang isinagawang Time Release Study ay pinangunahan ni Atty. Noemi Alcala-Garcia, Acting Chief ng Planning and Policy Research Division (PPRD), at pinuno ng TRS Technical Working Group (TWG).
(Joel O. Amongo)
