Para sa pagpapahusay ng kalakalan BOC AT ARISE PLUS PHILS NAGKASA NG WORKSHOP

NAGSANIB ang Bureau of Customs (BOC) at ARISE Plus Philippines kamakailan sa pagsasagawa ng komprehensibong “Integrated Risk Management (IRM) Awareness, Risk Analysis, and Treatment Workshop” para sa pangunahing mga opisyal mula sa BOC Risk Management Office (RMO) and frontline officers na humahawak ng licenses at permits na makatutulong sa Trade Regulatory Government Agencies (TRGAs).

Nakalinya ang pagpapalakas ng mabilis na kalakalan, ang layunin ng ARISE Plus Philippines Project sa nasabing workshop ay mapahusay ang kahandaan ng Bureau of Customs (BOC) sa pagsunod sa kanilang mga pangako sa tungkulin sa ilalim ng World Trade Organization-Trade Facilitation Agreement (WTO-TFA), the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at sa umuusbong na pambansa at internasyonal na pangangailangan.

Sa pakikipagtulungan sa International Trade Center (ITC), ang workshop ay nakadisenyo na magbigay ng mas malalim na pagtalakay at holistic na diskarte kung paano pahusayin ang tradisyunal na mga estratehiya ng pamamahala ng BOC RMO.

Ang Customs official at aktibong nakiisa sa ‘hands-on exer­cises’ at pagsangkot sa iba’t ibang business cases.

Ang mga pagsasanay ay nakapokus sa pagtatag ng pangunahing elemento para sa matagumpay na pag-iimplementa ng mga diskarte sa pagsusuri ng mga pamamaraan na sumasaklaw sa talakayan sa pagtukoy sa paglalarawan ng mga panganib, at pagkilala nito sa mga lugar, at pagtatag ng pamantayan sa hahantong sa mapanganib na profiles.

Ang mga kalahok ay nagpakita ng praktikal na solusyon sa panganib, pagrehistro sa mga ito, at ginalugad ang ma­kabagong diskarte sa pagtugon dito.

Si Ms. Chisa-Hasiena C. Mamowalas, Officer-in-Charge ng Risk Management Office (RMO), ay binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsama-sama ng mga elemento na itinaguyod, sa kanyang opening remarks, “Risk-based decision-making is most effective when incorporating the Integrated Risk Management’s advocated elements, including synergy among TRGAs and customs and the application of robust ICT systems. This session will underscore the importance of integrating risk management procedures among all agencies involved in national border control, emphasizing data-sharing, coordination, and efficient systems for assessing risks.”

Si Commissioner Bienvenido Y. Rubio naman ay nagpahayag na “This initiative is crucial as it equips our officials with skills that will help us facilitate smoother trade processes, which is significant to our agency’s 5-Point Priority Program.”

(BOY ANACTA)

67

Related posts

Leave a Comment