MORE SABIT DIN SA ILOILO BLACKOUT – CASTRO

SABIT din ang MORE Power Corporation matapos banggitin ni Congresswoman France Castro ng Makabayan block na tila wala itong ginawa sa kasagsagan ng blackout na tumama sa Panay Island at ilang lugar sa Negros mula noong Enero 2.

Matatandaan na ang MORE ang pumalit sa dating provider na Panay Electric matapos hindi makakuha ang huli ng prangkisa. Ang MORE ay pagmamay-ari ng negosyanteng si Enrique Razon.

Kinuwestyon ni Castro ang kakayahan na proteksyunan ng MORE ang nasasakupan nito pero nabigo dahil nasadlak din sa blackout ang Iloilo City.

Matatandaang nagalit si Iloilo City Mayor Jerry Trenas sa lahat ng mga responsable sa blackout kabilang na ang MORE bilang distributor sa siyudad.

Ani Castro, “Since MORE Power’s takeover of the distribution utility [on] the island, what has it done to improve its distribution infrastructure backbone, and does it have seamless coordination with the system grid operator and the generators?”

“Does it even have a system to help protect the grid from collapsing like a load-dropping mechanism? This already happened last year, and then we saw a repeat. I hope they can immediately address this because if not, it should warrant an investigation.”

Nakatakdang magpatawag ng imbestigasyon ang Kongreso at Senado kaugnay ng insidente at inaasahang kasama ang MORE power sa dadalo.

165

Related posts

Leave a Comment