Sa pagtatapos ng Nobyembre RECORD-HIGH P900B TARGET

Ni JOEL O. AMONGO

BAGAMA’T nakasisiguro na ang Bureau of Customs (BOC) na mahahagip ng kawanihan ang 2022 target revenue, puntirya naman ng liderato ng nasabing ahensya ang makapagtala ng “all-time high” revenue collection sa pagtatapos ng buwan ng Nobyembre.

Sa isang pahayag, sinabi ni Customs spokesperson Arnaldo Dela Torre na asam ngayon ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na makapagsampa ng P800 hanggang P900 bilyong ganansya mula sa buwis at taripang kalakip ng duma­dagsang kargamento.

“My guess is that our Commissioner’s prayer is that we reach the PHP 800 to 900 billion mark. This is the highest collection per month, a record high that the Bureau of Customs can achieve under the leadership of our President (Ferdinand R. Marcos, Jr.),” ani Dela Torre.

Sa ulat na isinumite ng BOC sa Pangulo, nasa P714.27 bilyon na ang kabuuang halagang nalikom ng kawanihan mula Enero hanggang Oktubre – P7 bil­yon na lang ang kulang ng ahensya para maabot ang P721-bilyon 2022 target collection.

Pra kay Ruiz, malaking bentahe sa pagpapataas ng koleksyon ang mahigpit na pagbabantay sa mga paliparan at pantalan, makabagong teknolohiyang nagbigay-daan para mapigilan ang ilegal na pagpupuslit ng mga kargamento at kontrabando at ang digitalization ng mga prosesong kalakip ng kalakalan sa naturang ahensya ng gobyerno.

Sa datos ng Department of Finance (DOF) mas mataas ng 18.5% ang naitalang kita ng ahensya mula Enero hanggang Oktubre kumpara sa P602 bilyong sumampa sa unang 10 buwan ng nakalipas na taon.

“We have a positivity rate of 18.5 percent. We have exceeded our collection target from January to October. And if the Bureau of Customs maintains its collective effort to sustain its collection target, we believe that we will exceed or have a surplus in revenue collection,” dag­dag pa ni Dela Torre.
Nito lamang nakalipas na buwan ng Oktubre, nabansot ang P60 bilyong target matapos makapagtala ng P75 bilyong kita ang kawanihan.

21

Related posts

Leave a Comment