SEAPORT INTERDICTION TRAINING ISINAGAWA

SEAPORT INTERDICTION TRAINING

BILANG bahagi ng The Bureau of Customs sa pagtutulak ng palitan ng impormasyon at mapahusay ang kakayanan ng Port of Limay, nagsagawa ng Seaport Interdiction Training of the Authority  sa Freeport Area of Bataan (AFAB) Administration Building, Mariveles, Bataan noong nakaraang Nobyembre 21.

Pinangunahan ni Port of Limay District Collector Michael Angelo DC Vargas, kasama ng Special Agents mula sa Enforcement Security Service (ESS) ang mga dumalo sa naturang okasyon.

Ang pagsasanay ay dinaluhan ng AFAB personnel maging ng mga kinatawan mula sa enforcement agencies, kasama si AFAB District Collector Michael Angelo DC Vargas na nagbigay ng maigsing mensahe sa mga dumalo rin na sina SA1 Rodney June L. Cruz at SA1 Abdul S. Akeem.

Tinalakay sa training ang ilang probisyon ng Republic Act 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ang nasabing pagsasanay na isinagawa ay bahagi ng pagkakapasa ng RA 11453 upang tiyakin na ang mga personnel ay may kamalayan sa mahalagang bahagi ng CMTA na inimplementa ng Bureau of Customs para pahusayin pa ang kalakalan at pagpapatupad ng Port of Limay.

Layunin ng pagpasa ng R.A. 11453 o “An Act of Further Strengthening the Po­wers and Functions of the Authority of the Freeport Area of Bataan” (AFAB) na inamyendahan sa  R.A. 9728 o mas kilala sa “Freeport Area of Bataan (FAB) Act of 2009”, na palawakin ang AFAB upang masakop ang buong lalawigan ng Bataan.

Kabilang sa mga sakop ng AFAB ay  seaports, marinas, warehouses at chemical storage facilities ng mga kompanya sa nasabing lalawigan.

Ang mga nabanggit na pasilidad ay para sa posibleng paglagak ng mga ilegal na droga at iba pang kinukontrol na prekursor.

Dahil dito, para maging maayos ang pamamalakad ng law enforcement and physical security,  ang AFAB Law Enforcement Division (AFAB-LED) ay hiniling sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng 5-day training na nakadisenyo sa law enforcement at port services personnel.

Ang Bureau of Customs, bilang isa sa counterpart agencies, ay inimbitahan para ipaliwanag ang CMTA upang maging pamilyar ang mga dumalo sa ‘functions and operations’ ng BOC na may kaugnayan sa AFAB–LED’s core function.

Ang BOC, PDEA at AFAB-LED ay pawang mga miyembro ng  National Law Enforcement Coordinating Committee (NALECC). (JO CALIM)

155

Related posts

Leave a Comment