Stakeholders binigyang importansiya ng BOC Port of Cebu
(Ni BOY ANACTA)
Bilang bahagi nang pagpapaganda at pagsasaayos ng kalakalan sa Bureau of Customs -Port of Cebu, nagkaroon ng pag uusap sina Acting District Collector Charlito Martin R. Mendoza at major port stakeholders nitong nakaraang Linggo.
Kinausap ni Mendoza ang mga kinatawan ng Therma Visayas, Mabuhay Filcement Corporation, PhilGold Processing and Refining Corporation, Chioson Development Corporation, Kepco SPC Power Corporation at Apo Cement Corporation.
Kabilang din sa mga kasama sa meeting ang mga kinatawan ng Cebu Energy Development Corporation, Taiheiyo Cement Corporation, Ecossential Foods Corporation, and Cagayan Corn Products Corporation.
Nabatid na ang iba pang port stakeholders ay naka-scheduled para sa individual meeting sa sunod na Linggo.
Layunin ng pakikipag-ugnayan na palakasin ang koordinasyon at patatagin ang serbisyong ipinangako sa major stakeholders ng port.
Bukod sa usapin kaugnay sa maayos na serbisyo ng port of Cebu, tinalakay ang proseso sa pag import.
Positibo ang nakuhang reaksyon sa port’s major stakeholders ng BOC sapagkat nagpahayag ang mga ito ng suporta at pakikisa sa implementasyon ng polisiya at pagpapaganda ng serbisyo upang makamit ang totoong paglago ng ekonomiya ng bansa at kalakalan.
290