SMUGGLED YOSI, HAGIP SA SUBIC!

TUMATAGINTING na P131.14 milyong halaga ng sigarilyo ang nabulilyaso ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs sa Port of Subic – pangalawa ngayong buwan.

Sa kalatas ng ahensya, timbog sa BOC-Intelligence Group seized ang tatlong 40-footer containers na naglalaman ng 3,160 master cases ng mga sigarilyong tangkang ipinuslit umano ng isang malaking sindikato sa likod ng cigarette smuggling sa naturang puerto.

Paglilinaw ni BOC-Subic District Collector Maritess Martin, sigasig at hindi intelligence report ang susi sa pagkasabat ng naturang kontrabando. Aniya, gamit ang mga modernong x-ray scanners at pagrerebisa ng mga kalakip na dokumento, napag-alamang wala sa talaan ng mga sigarilyong rehistrado sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nasabat na  kargamento.

Wala rin sa talaan ng mga accredited importers ang Russhi Knish Consumer and Proline Logistics na nakatala sa kalakip na manifesto.

Bukod sa nasamsam na kontrabando, nakatakda namang sampahan ng mga kasong paglabag sa National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No. 03 series of 2004, NTA Board  Resolution No. 079-2005, Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue Memorandum Circular No. 79-2022, at Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang Russhi Knish Consumer and Proline Logistics.

Panawagan ni Martin  sa iba pang magtatangkang magpuslit ng mga kontra-­ bando – “Huwag na dito, hindi kayo makakalusot sa Port of Subic.”

324

Related posts

Leave a Comment