TEAM VS ILLEGAL DRUGS BINUO NG BOC-PORT OF SURIGAO AT PDEA RO XIII

Dahil nakalinya sa Bureau of Customs’ (BOC) ang pangako na pagpapalakas ng border control, ang BOC-Port of Surigao kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nagsama kontra sa ilegal na droga sa CARAGA region.

Nagpulong ang mga tauhan ng BOC na pinangunahan ni District Collector Noli P. Santua, Jr. at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO XIII na pinamumunuan naman ni Regional Director Aileen T. Lovitos.

Isa sa mga naging highlights ng pulong ay ang official turn over ng PDEA K-9 Unit sa BOC bilang bahagi ng tinatawag na operational support.

Kasama rin sa tinalakay ay ang joint operations sa loob ng seaport’s Area of Responsibility (AOR) sa pagitan ng Port of Surigao Customs Border Protection (CBP) Team at PDEA RO XIII Operatives.

Maging ang mga mahahalagang bagay ay tinalakay din para i-maximize ang kapasidad bilang enforcement frontliners sa pumipigil at naghahanap ng dangerous drugs, controlled precursors at essential chemicals sa loob ng AOR .

Kaugnay nito, ang ‘sha­ring and collaboration on trainings and seminars’ sa pagitan ng BOC Port of Surigao at PDEA RO XIII pati na rin ng monthly operational assessment at strategies ng dalawang ahensiya ay kasama rin sa tinalakay na pagtitipon. (Boy Anacta)

43

Related posts

Leave a Comment