TULUNGAN SA KOLEKSYON PINAGTIBAY NG BOC AT LBP

NAGPULONG kamakailan ang ilang kinatawan ng Bureau of Customs (BOC) at Landbank of the Philippines (LBP) South Harbor Branch para tuklasin ang potensyal na pakikipagtulungan sa pagpapaganda ng BOC’s electronic payment system at payroll services.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong ay sina LBP South Harbor Branch Manager Meliza G. Faustino, Internal Administration Group Deputy Commissioner Michael C. Fermin, Financial Management Office Director Bienvenido R. Datuin, Jr., at Port of Manila Deputy Collector and Accounting Division Chief Marilou A. Cabigon, iba pa mula sa BOC at kinatawan mula LBP.

Ang layunin ng pag-uusap ay para talakayin ang estratehiya at mga inisyatiba sa pagpapahusay ng BOC’s electronic payment system, para gawing mas mahusay at ma­ginhawa para sa stakeholders.
Kapareho nito, tinalakay rin nila ang kadalian sa sweldo para tiyakin ang tama at pagiging napapanahon na pagbabayad ng sahod ng mga empleyado ng BOC.

Sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap, ang BOC ay patuloy na uunahin ang pagbabago at kahusayan sa kanilang mga operasyon para palakasin pa ang kanilang pangakong pagbibigay ng dekalidad na mga serbisyo sa kanilang stakeholders.

Dahil dito, inaasahan ang malaking ambag nito sa kabuuang koleksyon ng Bureau of Customs at maging ng Port of Manila (POM).
(BOY ANACTA)

108

Related posts

Leave a Comment