UGNAYANG BOC-SUBIC, DA PINALAKAS

PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs – Port of Subic, District Collector Carmelita M. Talusan, CESO V, at ng Department of Agriculture – Inspectorate and Enforcement (DA-IE) team, sa pangunguna ni Assistant Secretary James A. Layug, kamakailan ang coordination meeting sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng dalawang ahensiya.

Ang pagpupulong ay nagbigay ng isang plataporma para sa pagpapahusay ng customs procedures at pagtitiyak ng pagsunod sa agricultural regulations.

Sa nasabing pulong, ang mga pangunahing erya tulad ng mga kasalukuyang update sa importation ng agricultural pro­ducts, mga hakbang sa pagsunod sa regulasyon, ay tinalakay ang information sharing mechanisms.

Binigyang-diin nina District Collector Talusan at Assistant Secretary Layug ang kahalagahan ng malapit na ugnayan sa ‘streamline processes, address challenges, and foster partnership and joint initiatives.’

Sa pamamagitan ng pag­hahanay ng kanilang mga pagsisikap at paggamit ng kadalubhasaan ng bawat isa, layunin ng BOC – Port of Subic, at ng DA-IE na mapagbuti ang kahusayan, pagbabantay at pagtitiyak ng maayos na galaw ng mga kalakal, habang iniingatan ang kalusugan ng publiko at kapaligiran.

Kasabay nito, naniniwala si District Collector Talusan sa aktibong pagkikipag-ugnayan sa stakeholders at iba pang government agencies na makatutulong sa pagsisimula ng komprehensibing streamlining at pagpapadali ng mga proseso habang minamantina ang balanse sa border protection.

Sa ilalim ng patnubay ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang Port of Subic ay nananatili sa pangako sa pagpapalakas ng kanilang anti-smuggling at border control operations, at pagtitiyak na walang illegal na kalakal na makapapasok sa Port habang itinataguyod ang kalakalan sa loob ng freeport zone.
(JO CALIM)

66

Related posts

Leave a Comment