ISA NA NAMANG QUARRY OPERATOR NILIKIDA

NUEVA ECIJA – Isang 45-anyos na quarry operator ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Lusok sa bayan ng Bongabon sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa ulat, Kinilala ang biktimang si Ronaldo Emiterio, ng Barangay Platero, Gen. Mamerto Natividad, Nueva Ecija.

Nabatid sa paunang imbestigasyon, sakay ng minamanehong pick-up truck si Emiterio nang pagbabarilin ng gunman gamit ang isang 5.56mm rifle.

Idineklarang dead on the spot ang biktima habang agad na nakatakas sa crime scene ang hindi pa nakikilalang suspek.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad upang makilala ang suspek at mabatid ang motibo sa pagpaslang.

Magugunitang nitong nakalipas na linggo ay binaril at napatay rin ng hindi pa nakikilalang suspek ang magkapatid na kapwa quarry operators sa Barangay Tanghaligue, sa bayan ng Talibon, sa lalawigan naman ng Bohol.

Kinilala ang mga biktimang sina Gerry Louis Tan Dulang, 36, at Gerry Lou Tan Dulang, 42, kapwa residente ng Barangay Tanghaligue at may-ari ng GL Talibon Sand na sangkot sa quarry operation sa area.

(JESSE RUIZ)

45

Related posts

Leave a Comment