ISKO SA SUPPORTERS: IWASANG MAKIPAG-AWAY

HUWAG kayong papatol at makikipag-away.

Ito ang mahigpit na paalala ni Manila Mayoralty candidate Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga Manileño partikular ang kanyang mga tagasuporta.

Sa tuloy-tuloy nilang pag-iikot at motorcade sa San Andres bukod sa ikalimang distrito ng lungsod nitong Lunes, pagkatapos ng Semana Santa, hindi inalintana ng mga residente ang sobrang init ng panahon habang inaabangan ang pagdaan ni Yorme.

Kasama ang kanyang tandem at Vice Mayoralty candidate Chi Atienza at buong slate ng Yorme’s Choice, talaga namang ramdam na ramdam ang malaking suporta na ibinibigay ng mga Manileño.

Habang nag-aabang, ang ilang kababaihan naman ay napapaindak at isinisigaw ang ‘Yorme’.

Idinaan din sa pag-awit ang katagang “Kapag nanalo si Isko, Iiwan ko Asawa ko, Sasama ako kay Isko”.

Samantala, sa kabila ng mga patutsada ng mga kalaban, mahinahon pa ring nakikiusap si Yorme sa kanyang mga tagasuporta at sa buong Manileño na huwag makikipag-away.

“Hayaan na natin silang manira nang manira. Ang lagi kong paalala: huwag kayong papatol at makikipag-away. Hayaan na lang natin na ang taumbayan ang humusga sa Mayo,” paalala ni Yorme.

“Basta ako, I trust you, mga Batang Maynila; panatag ako na alam ninyo ang tunay na nangyari sa ating lungsod,” dagdag pa ng nagbabalik alkalde ng kabisera ng bansa.

(JOCELYN DOMENDEN)

30

Related posts

Leave a Comment