Botante dinadaan sa budots NETIZENS KAY BONG REVILLA: MAHIYA KA NAMAN!

BONG REVILLA-2

KINASTIGO sa social media si Senator Bong Revilla dahil sa kanyang pagsayaw ng budots habang nangangampanya.

Katunayan, viral pa rin ang video ni Revilla habang sumasayaw na ginawa niya noong nakaraang halalan.

Patutsada ng mga netizen, masyadong hinahamak ni Revilla ang mga botante sa kanyang estilong pasayaw-sayaw.

Komento ng isang netizen, bukod sa parte ng political dynasty si Revilla, dinadaan niya sa budots ang mga tao para makalimutan ang ipinapasoling pera ng Sandiganbayan.

Sa isang panayam kamakailan, ipinagtanggol ni Revilla ang sarili mula sa mga batikos at kantyaw na puro lang siya budots.

“Totoo po yun, nagbudots si Bong Revilla, pero yung budots na ‘yan, yung mga batas na nagawa ko. Out of 2,000 [bills and resolutions] na nai-file ko, 343 batas na ngayon. Yun ang ‘nagbudots’ si Bong Revilla sa Senado. Kaya ayos yan, magbudots na tayong lahat,” aniya sa panayam sa Iloilo International Airport noong February 13, taong ito.

Pero ang mga netizen, mistulang nasusuka na sa pagsasayaw ng senador. Basahin ang ilan sa mga komento sa X:

Joel:
Insulto sa botante na dinadaan sa pagbubudots ni Bong Revilla ang pangangampanya niya.

EDJ:
They don’t expect anything more. Iboboto pa rin nila. Talagang nakakasuka. Mga laos na action stars, never sumikat na nepo artista, ginagawang gatasan ang senado.

Erwin:
Mga ka baluarte ni Bong Revilla baka maintindihan pa na sasakay sa sayaw niya. Pero grabe naman kung buong Pilipinas ay mag papauto at iboboto yang taong ayaw umamin sa kinurakot kahit na korte ang nag utos. Adobe ang mukha sa tigas.

Betty:
Bilyon ang nadale nyan sa pork barrel. Nag umpisa ang ama nyan kasama si Napoles sa mga agenda.
Ilalagak ang pera sa pekeng foundation, perang sa totoo duon lang nakalagak, pagdating ng election kukubrahin nila yan.
Yong pork na dapat napupunta sa tao, sa kanila napupunta.

Optimus:
He’s a useless lawmaker with a terribly questionable record of corruption.
Plus, he’s not even a good actor as well.

Joy:
Di talaga pwedeng maging statesman ang isang artista. Igagalang mo ba ang galawang ganyan
@senatePH?

bry:
Nakakasuka…
pero mas nakakasuka yung mga taong tuwang tuwa sa ginagawa nya.

Erwin:
Pinanindigan ang pagsayaw at pag entertain sa “fans”. The people do not need entertainment from their legislators. They need honesty and good governance

Glen:
Wag p budol s buduts ska tama n c elias n lng bgtan nyan..ok lng mtuwa pero wag ilagay s balota

bong:
Good luck sa bansa natin. We need to stay strong para na lang sa pamilya natin.

Mac:
Tama lang talaga mga laos na artista at tv hosts sa daigdig ng libangan. Pag nasa plenaryo mga katawa tawa. Gawaan ba talaga ng batas ang Kongreso?

Ripple:
Hindi naman bodabil ang senado, sana matauhan at itigil na ang pagkandidato mag focus na lang sa pag arte at panagutan ang kaso ayon sa batas…

Ernesto:
Hayyyy pilipino , hirap minsan ipagtangol , budot budot lang ayos na ! Na forget na unreturned money . God bless the Philippine , let them think harder !

NAM:
Politics today often feels more like a performance than a public service.
Many politicians seem to be chasing power over purpose, turning leadership into a game of influence rather than genuine governance. Many candidates prioritize personal gain over public good.

alter:
Maging matalino nmn sana sa pag boto.

More Fun:
Kawawa ang Pinas dahil sa mga kandidato na tulad ni Revilla. Isama na si Bato, Go, Revillame, Lapid, Salvador.

Noel:
Kawawang pilipinas… ginawang pataygutom at mga tanga

Cris:
Ayan ang pinakamalaking katangahan kung iboboto nyo sya dahil lang sa sing and dance na iyan!

53

Related posts

Leave a Comment