PINAGTANGGOL ng Malacañang ang presensiya ng dalawang local government official sa pamamahagi ng cash aid para sa mga tricycle driver.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dumalo ang mga opisyal bilang hosts at kinatawan ng kanilang LGUs—hindi para sa pamumulitika.
Binigyang halimbawa si Mayor Isko Moreno na present sa event sa Maynila bilang host, habang si Mayor Francis Zamora ay dumalo bilang national president ng League of Cities of the Philippines.
Giit ni Castro, hindi nilabag ng mga opisyal ang probisyon ng “anti-epal” sa ilalim ng 2026 national budget dahil ginampanan lamang nila ang kanilang tungkulin.
Dagdag pa niya, mahalagang makita ang presensiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ganitong aktibidad upang ipakita na aktibo ang gobyerno at mapanatag ang publiko sa gitna ng mga hamon.
(CHRISTIAN DALE)
79 