July 2022 target collection BOC-LIMAY TAGUMPAY, MARIVELES KAPOS ULIT

SA ika-15 pagkakataon, higit pa sa itinakdang target collection ang naitala ng Port of Limay sa lalawigan ng Bataan.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nakapagtala ng bagong record-high ang BOC-Limay sa ilalim ng pamumuno ni District Collector William Balayo. Sa datos ng ahensya, pumalo sa P11,894,836,682 ang kabuuang ganansya ng naturang distrito para lamang sa buwan ng Hulyo.

Kumpara sa itinakdang target collection, labis pa ng P1,873,007,602 (katumbas ng 18.69% increase) ang nalikom ng BOC-Limay.
Gayunpaman, sablay na naman ang Mariveles Subport na mas kilalang paraiso ng mga fuel smugglers, base sa koleksyon para sa buwan ng Hulyo – sa kabila pa ng pagtaas sa antas ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento.

Sa ulat ng BOC-Limay, umabot lang sa P4,373,146,245 (katumbas ng 12.73 shortfall) ang naipasok na kita ng Mariveles Subport na pinamumunuan ni Collector Gregorio Tomagan.

Kamakailan lang, isang babala ang ipinaabot ni Acting Customs Commissioner Yogi File­mon Ruiz sa mga sasablay sa takdang collection target. Pagtitiyak ng bagong BOC chief, marami siyang paghuhugutan ng mga kwalipikado at dedikadong pamalit sa mga district collectors na palyado.

Sa kabilang banda, nangako rin si Ruiz na palalawigin ang pananatili sa pwesto ng mga district collectors na nagpapamalas ng husay, sigasig at katapatan sa kanilang nasasakupang distrito.
Sa kanyang bagong trabaho, bitbit niya ang direktiba ni Marcos Jr. Kabilang naman sa kanyang tinanggap na marching

orders ang zero tolerance para sa mga drug smugglers, pagkapon sa gun smuggling, giyera kontra agri-smuggling, pagpapaigting na koleksyon ng kawanihan, 100% digitalization ng ahensya, panunumbalik ng “morale” ng BOC personnel at ang pagpapakulong ng mga tiwali sa tanggapang kanyang nasasakupan.

205

Related posts

Leave a Comment