KAHIT ANONG LAKING PROBLEMA MAY SOLUSYON

KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO

ESTABLISH a big idea, an idea that can solve a big problem, kaya kung ang problema mo ay kung paano mo magagawa na kumausap ng maraming tao ay napakalaking challenge talaga ito.

Naalala ko pa dati, kailangan kong humingi ng referral sa mga kapitan at sa mga kakilala para dumami ang prospect ko bagay na napakahirap gawin, sa bawat lapit mo sa kakilala, kung hindi ka magagastusan, ang iba ay lalaitin ka pa.

Naghahanapbuhay lang naman ako, pero bakit ‘pag dumarating ako ay para akong may sakit na nakahahawa?

Umaalis ang mga kakilala ko at ang iba naman akala mo ay pipilitin mo silang bumili ng iyong mga paninda.

Sabagay ‘yun naman talaga ang pakay ko bilang isang direct seller, malaking problema ang kumausap nang ‘di mo kilala, mabuti na lang dahil sa makabagong ­teknolohiya, madali nang ­mag-alok at ­makakilala ng mga taong gusto rin kumita.

Mga taong naghahanap ng dagdag na pagkakaperahan at mga taong tamad nang umalis at gusto ay bumili na lang sa ­makabagong paraan.

Salamat sa teknolohiya, kung dati ay pangarap lamang ang makakausap ng 100 na katao, ngayon pindot na lang nang pindot, mag-load ka lang may data ka nang magagamit sa ­pakikipag-usap online.

Kaya salamat sa online, napadali nito ang lahat, ‘di mo namamalayan dumarami na ang iyong kaibigan, ‘di mo rin namalayan dumami na ang iyong customers.

Minsan, mas marami ka nang kaibigan sa online apps, ‘di man kayo nagkikita, pero nagkakatulungan kayong kumita, ‘yan ang reyalidad ng online direct selling.

Sistema pa rin at sa diskarte nagkakatalo ang lahat, kapag mabili ngayon dahil trending ang isang produkto, after 2 months ­ginaya na nila.

Kapag ‘in demand’ ang ­products, marami ang gumagaya. Kawawang direct seller, kakabili lang ng paninda dinamihan pa, kaya umiwas sa panggagaya lalo na kung sumikat na, mas maganda na mag-isip ka ng ibebenta mong ikaw pa lang ang magpapasikat.

May mga ‘in demand’ na produkto depende sa panahon, halimbawa pag nalalapit na ang Pasko.

O ‘di kaya’y nalalapit na ang pasukan ng klase, o ‘di kaya naman ay tag-ulan, so magkakaiba ang trend sa bawat panahon, isa ‘yan sa dapat isaalang-alang kapag nasa ganitong industriya ka.

May mga nakausap tayo, ako bilang nasa supplement industry, ang kanilang mga ibinebenta rito, nagkakatalo kung kaninong company ba o direct ka ba sa supplier, kailangan natin intindihin kahit ang supplier o manufacturing.

Sa ngayon sila mismo ay may sariling online platform kaya kung ‘di ka direct sa supplier ay mapag-iiwanan ka, kung presyo at training platform ang pag-uusapan, may mga kumpanya na nakadisenyo talaga sila para sa online.

Mas okey na magsarili ka ng iyong online selling, pero ikaw lagi nag-iisip kung ano ang ibebenta mo.

Ikaw rin ang mag-iisip ng mga ads mo, ikaw rin lahat ang kikilos para sa mga kailangan mo, pati logistics, unlike sa mga kumpanya, ‘pag nakakita ka ng tamang kumpanya na may direksyon at sistema, panalo ka.

‘Yung company na willing silang lumaki kasama ang mga direct seller nila, ang tanong na lang may kumpanya pa bang ganoon sa panahon ngayon o gaya lang silang lahat?

Karamihan, pagkatapos mong ipakilala sa market ang kanilang mga produkto, biglang mawawala ang supplies.

At sarili na lang nilang ibinebenta, ‘di na nila nakikita ang iyong pagod na pagkatapos mong gumastos para lang maipakilala mo ang kanilang produkto ay iiwanan ka na lang nakatulala.

Masarap magsimula at magkaroon ng sarili, pero ihanda mo ang sarili mo sa mga responsibilidad at mga obligasyon tulad ng nabanggit ko sa ating unang series kung paanong nawawala sa industriya ang mga nagtayo ng direct selling company.

Dito, dapat handa ka rin sa pagkakaroroon ng sarili mong post video ads, kailangan mo rin ng sarili mong boosting ads, kailangan mo, higit sa lahat na mabatid kung paano mo mai-establish ang iyong logistics.

286

Related posts

Leave a Comment