(BERNARD TAGUINOD)
POSIBLENG makigulo sa presidential race sa 2022 si dating Speaker Alan Peter Cayetano at hindi sa vice presidential race kung saan posibleng makalaban nito si Pangulong Rodrigo Duterte.
“I’m considering just either running for president or for reelection sa position ko ngayon,” ani Cayetano sa isang ambush interview hinggil sa kanyang mga plano sa susunod na eleksyon.
Si Cayetano ay naging runningmate ni Duterte noong 2016 presidential election subalit natalo ito kaya umuugong na posibleng subukan umano nito na tumakbo sa nasabing posisyon muli.
“I’m not really considering for vice president… May mga nagsasabi na puwedeng mag-senador, but I’m really contemplating muna ano ang magiging future natin in the first year after Duterte,” dagdag pa nito.
Malalaman aniya ang kanyang pinal na desisyon sa Setyembre o isang buwan bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) mula sa Oktubre 1.
Kabilang sa makakalaban ni Cayetano kung sakaling tumuloy ito sa presidential race ay ang anak ni Pangulong Duterte na sina Davao City Mayor Sara Duterte at Senador Manny Pacquiao.
Si Sara ang isa sa mga matunog na tumulong kay Speaker Lord Allan Velasco para makuha ang liderato ng Kamara mula kay Cayetano noong nakaraang taon. (BERNARD TAGUINOD)
135
