Kai out sa Gilas pero… THIRDY AT PARKS PASOK!

Ni ANN RNCARNACION

ISINARADO na ang pintuan ng Gilas Pilipinas sa 7-foot-3 na si Kai Sotto para sa Olympic qualifier 2022 FIBA Asia Cup sa Gelora Bung Karno (GBK) Sports Complex (Istora), ­Jakar­ta, Indonesia sa Hulyo 12–24.

“He has decided to do some other thing and forego the Fiba Asia Cup,” malungkot na pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Chot Reyes Linggo ng gabi, matapos itala ng Gilas ang 79-63 panalo kontra India sa 2023 Fiba World Cup Asian qualifiers.

Ngunit idadagdag sa national squad sina Thirdy Ravena at Bobby Ray Parks Jr, ayon sa TNT head coach din na si Reyes.

Paliwanag niya, maraming beses na tinangka ng SBP na kausapin ang handler ni Sotto na East West Private subalit walang makuhang matinong sagot o update sa tinaguriang ‘Filipino wunderkind’.

“Well, they haven’t said no but they’re not saying yes. If it’s not a yes, we already know what it is,” wika ni Reyes.

Umaasa naman siyang mas lalakas ang Gilas sa tulong ng mga Japan B.League players na sina Ravena at Parks Jr.

Aminado si Reyes, malaki sana ang maitutulong ni Sotto sa national team na kulang sa big men.

Naniniwala rin ang SBP official na magagamit ni Sotto ang experience sa paglalaro sa Fiba Asia Cup matapos siyang ma-snub 2022 NBA Draft at NBA Summer League.

185

Related posts

Leave a Comment