KALUSUGAN PRAYORIDAD NI CONG. NOGRALES

ANG kalusugan ng mamamayan ang isa sa mga prayoridad ni Congressman Fidel Nograles, ng Rizal 2nd District.

Kaya naman nitong nakaraang linggo ay dinaluhan ni Cong. Nograles kasama ni Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares bilang mga panauhing pandangal ang “inauguration and ribbon cutting

ceremony” ng Montalban Dialysis Hub.

Dumalo rin sa okasyon sina Josephine Dayao, isang Registered Nurse; Maria Carmela Javier, MD, DPPS, MHA Municipal Health Officer; Marissa Elizabeth Lardizabal-Lim, MD Nephrologist; Montalban Mayor Dennis Hernandez; Rev. Fr. Jeffrey Santos; Philippine National Police Provincial Director Sr. Supt. Renato Alba at marami pang iba.

Natutuwa si Nograles na mayroon nang dialysis center ang bayan ng Montalban. Ito ay dahil hindi na aniya kailangan pang lumayo o magtungo sa National Kidney Institute (NKI) sa Quezon City ang kanyang mga kababayan para maghanap ng dialysis center dahil mayroon na sila nito sa Montalban.

Kaugnay nito, nangako si Cong. Nograles na magbibigay ng bagong ambulansiya sa Montalban Dialysis Center para magamit ng mga pasyante.

Susuportahan niya rin ang modernisasyon ng nasabing ospital sa pamamagitan ng mga makabagong kagamitan.

Bukod dito, magbibigay rin ng guarantee letter ang mambabatas para sa mga pasyente mula sa 2nd district ng lalawigan ng Rizal.

Kasabay nito, pinayuhan ni Nograles ang kanyang mga kababayan na iwasan ang pagkain ng maaalat na madalas pagmulan ng iba’t ibang sakit.

Nagpasalamat naman si Rizal Governor Rebecca ‘Nini’ Ynares kay Cong. Nograles sa suporta nito sa mga ospital ng lalawigan.

Bukod sa ipinangakong bagong ambulansya para sa bayan ng Montalban ay bibigyan din ng mambabatas ang iba pang bayan sa 2nd district ng Rizal. JOEL O. AMONGO

267

Related posts

Leave a Comment