KASAL NINA JUANCHO AT JOYCE STAR-STUDDED

Opisyal nang mag-asawa ang Kapuso talents na sina Juancho Trivino at Joyce Pring matapos ikasal ang dalawa sa pamamagitan ng isang garden wedding sa Sofitel Philippine Plaza Manila noong nakaraang linggo ng hapon, February 9.

The couple got engaged in August 2019 pero noong November 27, 2019 lamang nila ipinaalam sa publiko at noong February 9 ay ikinasal ang dalawa.  Ito’y dinaluhan ng mga Kapuso celebrities at mga kasamahan ng newly-wed couple sa “Unang Hirit”  gayundin ang mga kasama ni Juancho sa “Madrasta” TV series ng Kapuso Network.

Matagal na umanong crush ni Juancho si Joyce pero nagkalapit lamang ang dalawa noong magsama sila sa “Unang Hirit”.  Noong nakaraang Biyernes, February 7 ay binigyan ang dalawa ng Despedida de Soltera y Soltera sa programang “Unang Hirit” ng kanilang mga kasama sa morning show ng GMA.

204

Related posts

Leave a Comment