KASO NG COVID-19 SUMIRIT PA

SUMIRIT ang kaso ng COVID 19 noong nagdaang Christmas season.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, 14 araw matapos ang December 24, 2020 ay nakapagtala ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng pagsirit ng kaso ng corona virus.

“Ito naman po ang infographic ng confirmed COVID-19 cases by adjust date of onset as of January 17, 2021. Siguro po obvious na on the 14th day after Christmas eve, on the 14th day after
December 24, ayan po nagtala po tayo ng talagang mas madaming kaso ng covid,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Sa kabilang banda, ang magandang balita naman aniya ay muling bumaba ang bilang ng kaso pagkalipas ng December 24.

Sa ngayon, ang hinihintay aniya ay kung aangat din ang kaso ng covid, 14 araw pagkalipas ng December 31 gayundin ang ika-labing apat na araw makalipas ang Traslacion. (CHRISTIAN DALE)

120

Related posts

Leave a Comment