NAGSAMPA ng kasong Plunder o pandarambong si dating Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV laban kina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at dating Special Assistant to the Pres. Christopher Lawrence Tesoro “Bong” Go sa Department of Justice (DoJ).
Nag-ugat ang reklamo sa maanomalya umanong government projects na ibinigay ng nakalipas na administrasyon pabor sa mga kompanyang pagmamay-ari ng ama at kapatid ni Go na nagkakahalaga ng P6.6-bilyon.
Kabilang din sa kinasuhan si Deciderio Go, ama ni Bong Go at may-ari ng CLTG Builders na nakakuha ng 125 government contracts na umabot sa P4.9-billion habang si Alfredo Armero Go na kapatid naman ng dating PMS head at may-ari ng Alfrego Builders ay nakakuha ng 59 gov’t projects na nagkakahalaga ng P1.74-billion.
Kasong Anti-Plunder Act o paglabag sa Republic Act 7080 in relation to Anti-Graft and Corrupt Practices Act o RA 3019 at Culpable Violation of 1987 Constitution ang partikular na isinampa ng senador laban sa mga ito.
Nagkulang din aniya ang mga kompanya ng Go family ng contractor license to undertake large-scale projects.
Posible ring masangkot pa ang ilang kompanya na nakipagsabwatan para makuha ang maanomalyang proyekto. (JULIET PACOT)
