KATAS NG KOTONG SA CHINESE GAGAMITIN SA ELEKSYON?

BAGAMAT nalalapit nang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kanya-kanyang diskarte naman ang ilang tiwaling opisyales ng Bureau of Immigration (BI) sa pangongotong sa mga dayuhan partikular sa Chinese nationals para sa kanilang sariling ambisyon sa buhay.

Sa tuwing nakakarinig ng balitang aalis na sa ahensya si BI Commissioner Jaime Morente ang mga ­ordinaryong empleyado ng BI, para silang mga palakang kokak na nababasa ng ulan kung makapag-ingay dahil nais na nilang matapos ang inutil umanong pamamalakad ni Morente sa ahensya kung saan ang kanyang mga tauhan sa airport at sa main office ang laging nasasangkot sa korapsyon ngunit hinahayaan lang umano nito.

Napapabalitang aalis na sa puwesto ang ambisyosong si Morente upang tumakbo sa darating na eleksiyon sa pagka-kongresista sa kanilang bayan sa Davao City.

Tignan mo nga naman kung sa ahensya nga ay hindi nito masugpo ang katiwalian ng mismong mga taong nasa kanyang paligid ay nais pa nitong maging congressman.

Sakaling manalo, posible kaya na ang kunin niya pa ring chief of staff ay itong si Boy Tarara na masipag at madiskarteng tarahan ang ilang opisyal na binigyan nila ng puwesto kabilang si Macho Chiquito?

May basbas kaya ni Morente ang ginagawang ­pangongotong ni Macho ­Chiquito sa mga travel agency na nagpapasok ng bulto-bultong passports ng mga Chinese upang maayos ang kanilang paninirahan sa bansa?

Ang pananatili ng isang kotongerong tauhan ng Border Control and Intelligence Unit (BCIU) sa airport na si alias GL kaya ay nagpapasok din ng tara kay Boy Tarara kung kaya’t hindi tinatablan ng hiya ang pagmumukha ni Morente na tanggalin ito sa airport? Dahil kaya sa direkta si GL sa itaas kung kaya’t walang magawa ang hepe ng intelligence division na disiplinahin ang kanyang tauhan? Ang BCIU at TCEU na maraming beses nang nasangkot sa katiwalian sa airport ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Intelligence division at ng office of the commissioner.

Pero ano itong balita na inirerekomenda umano ni Morente sa pangulo na ang pumalit sa kanya sa puwesto kung siya ay mag-file ng ­Certificate of Candidacy sa darating na Oktubre ay itong Bisayang Kalbo mula sa Board of Special Child “ay mali” Inquiry pala na si alias Mang Gogorio .. sabagay may ­sariling mundo naman talaga halos karamihan dyan sa BSI.

Tignan mo nga naman ano, kapag ang tuta ay masunurin sa kanyang amo ay marami itong gantimpalang dog food.

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maaring itext ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

287

Related posts

Leave a Comment