(NI ROSE PULGAR)
NAGPATUPAD ng katiting na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo ngayong umaga (Setyembre 3).
Pinangunahan ng kompanyang PTT Philippines, Pilipinas Shell, Chevron, Seaoil, Petro Gazz, Total, Flying, at Phoenix Petroleum Philippines ang bawas presyo na P0.10 kada litro sa gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel at P0.15 sa kada litro ng kerosene na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.
Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng oil price rollback sa mga produktong petrolyo ang ilan pang kumpanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.
Ang ipinatupad na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
