Katiwalian, batas sa SALN ayaw talakayin HOUSE PROBE PINIPIGILAN NI VELASCO

PINIPIGILAN ni House Speaker Lord Allan Velasco ang imbestigasyon sa mga katiwalian sa gobyerno at hindi pagsunod sa batas tulad ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) law.

Ito ang kinumpirma ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa mga mamamahayag sa Kamara kaya nangangamba ito na hindi maitama ang batas kapag hindi nagkaroon ng imbestigasyon.

“To be fair with Speaker Velasco, I’m not sure if may conscious moves siyang ginagawa (na pigilan ang imbestigasyon). Pero I’m very, very, sure ayaw niya ng investigation,” ani Defensor.

Kasama sa nakalinya na imbestigahan ng House committee on public accounts na dating pinamumunuan ni Defensor ay ang SALN law na ayaw sundin ng gobyerno partikular na ang Office of the

Ombudsman gayung ito ang isa sa mga dahilan kung bakit natanggal sina dating Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Renato Corona.

Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit sinampahan ni FLAG-Maharlika secretary general Ed Cordevilla ng impeachment complaint si Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen noong

Disyembre sa Kamara dahil hindi umano ito naghain ng SALN sa loob ng 15 taon bago na-appoint sa Korte Suprema noong 2012.

Bukod sa SALN, nakatakda rin sana aniyang imbestigasyon ang katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na kinasasangkutan umano ng ilang kongresista at maging ang

common tower ng mga telecommunication player.

“Of course ‘yung nagbaha (dulot ng Bagyong Ulysses), the investigation should’ve been conducted on that. Sabi nga nila ginawa daw but, to be honest, talagang consciously ayaw niyang magpa-investigate, and I don’t know the reason why,” ani Defensor.

Nabatid sa mambabatas na bago siya sinibak ni Velasco bilang chairman ng nasabing komite ay sinamahan pa sila ni House Majority leader Martin Romualdez kay Velasco para ipakita ang listahan ng nakalinyang iimbestigahan.

Kasama umano nina Defensor at Romualdez nang makipagkita kay Velasco sina Cavite Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla at Deputy Speaker Rodante Marcoleta subalit sinabihan sila na itigil muna ang imbestigasyon.

“All I’m saying is it is a critical task of Congress to do investigations, to do its task in oversight. And I don’t think Speaker Velasco should stop any of that. In fact, it should be encouraged,” ani Defensor.

‘AMINADONG’ IMMATURE?

Samantala, aminado umano si Velasco na siya ay ‘immature’ kaya mistulang bara-bara ito sa pagsibak sa kanilang mga kasamahan.

Sa isang radio interview kay Defensor, inamin umano ni Velasco sa isa sa mga mambabatas na inalisan niya ng committee chairmanship na siya ay immature.

“Yung isa ngang natanggal sabi nga nya…bakit naman ganun Speaker ang nangyari eh magkasama lang tayo kahapon. Sana man lang sinabi nyo sa akin para … ang gusto pa nya sana sya na ang

mag-resign…tapos iba na ang ma-elect. Ang sabi nga raw ni Speaker Lord, pasensya na immaturity…immaturity ko,” ani Defensor.

Si Defensor ang huling inalisan ni Velasco ng Committee chairmanship at nasa likod ng pag-iimbestiga sa mga katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno tulad sa Philippine Health Insurance

Corporation (PhilHealth).

“First time kong nakita na kahit yung minimum na pakikipag-usap lamang o yung iyong pakikiharap bilang magkaibigan siguro kung itinuturing nya akong kaibigan o bilang kasama na lang sa

Kongreso eh hindi ko nakita,” ani Defensor. (BERNARD TAGUINOD)

140

Related posts

Leave a Comment