Itinutulak ni Nograles sa Kongreso ANTI-CHILD PORNOGRAPHY LAW PALAKASIN

NANAWAGAN sa liderato ng Kongreso si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles na agad talakayin at ipasa ang panukalang batas na magpapalakas pa sa Republic Act (RA) 9775 o Anti-Child Pornography Act of 2009.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing panawagan sa gitna ng report na ilang estudyante ang nagbebenta ng kanilang sensual photos at videos para magkaroon ng pera na pambili ng gadgets na kailangan ng mga ito sa distance learning classes.

“We have to place measures to protect our children—even from themselves. We have to act so that children are not forced to prostitute themselves because of their needs,” ayon sa Harvard-trained lawyer.

Bagama’t desidido ang National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice office of Cybercrime na lansagin ang online human trafficking kailangan pa rin aniya na palakasin pa ang nasabing batas para rito.

Ito ang dahilan kaya inihain ni Nograles ang House Bill 7633 o Anti-Sexual Abuse and Exploitation of Children Act of 2020 para maamyendahan ang nasabing batas subalit pending pa ito sa Kongreso.

Bukod dito, nais ni Nograles na maresolba ang isyu sa online child sex abuse na sumargo ang bilang noong kasagsagan ng community quarantine dahil sa COVID-19 noong nakaraang taon.

Base sa datos ng DOJ na mula sa U.S. based na National Center for Missing and Exploited Children, umaabot sa 279,166 ang naitalang online child sex abuse case  sa Pilipinas mula March 1 hanggang Mayo 24, 2020 mula sa 76,561 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2019.

Katumbas ito ng 264.63% na pagtaas o mas mataas ng 202,605 na labis na ikinabahala ni Nograles kaya nais nitong amyendahan ang Section 9 ng RA 9755 upang payagan ang mga internet service provider na maglagay ng mga software para i-block ang access at transmittal ng mga child pornography at agad i-report sa kinauukulan ang mga internet address na naglalaman ng child pornographic materials.

“Section 9. Duties of an Information and Communication Technology Service Provider (ICTSP). – All Information and Communication Technology Service Providers (ICTSP) shall install available technology, program or software to ensure that access to or transmittal of any form of child pornography will be blocked or filtered,” ayon sa amendments na nais ipasa ni Nograles sa nasabing batas.

Nais din ni Nograles na lahat ng mga dayuhan na may sex-related offenses ay huwag papasukin sa Pilipinas upang maproteksyunan ang mga kabataan.

Kasabay nito, umapela ang mambabatas sa Department of Education (DepEd) na maghanap ng mas epektibong paraan para makasabay ang mahihirap na estudyante sa distance learning na hindi kailangan ang makabagong kagamitan.

“Our children should not be left to fend for themselves. Tayong nasa pamahalaan ang dapat na namomroblema at gumagawa ng solusyon kung paano nila maipagpapatuloy ang pag-aaral nila,” ani Nograles. (BERNARD TAGUINOD)

200

Related posts

Leave a Comment