MAGSISILBI ring babala sa mga tiwaling judge ang kautusan ng Supreme Court na gumamit ang mga pulis ng body camera sa kanilang pagsisilbi ng search warrants.
Ito ay dahil may ilang huwes umano na basta na lamang nag–iisyu ng arrest at search warrant kahit walang matibay na ebidensya ang mga pulis sa kanilang target na indibidwal.
“The restriction on the search and arrest warrant issuance power of Quezon City and Manila executive judges gives credence to the complaints of numerous lawyers of abuse and possible corruption in authorizing searches and arrests, and in deciding on cases in general,” ani Deputy Speaker Rufus Rodriguez.
Magugunita na galing sa Quezon City at Manila ang mga search warrant na ginagamit ng mga pulis laban sa mga aktibista at kritiko ng administrasyon na karaniwang nauuwi sa madugong operasyon dahil nanlaban umano ang mga target.
“The writing on the wall should be clear to abusive and corrupt judges, where there are persistent rumors of injunctions and TROs for sale, case fixing and package cost for favorable decisions,” ayon pa sa mambabatas.
Una rito, pinalakpakan sa mababang kapulungan ng Kongreso ang nasabing kautusan ng SC sa Philippine National Police (PNP).
Kasabay nito, hinamon ni Rep. Rodriguez si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na sumunod sa kautusan ng SC kung nais nitong makapag-iwan ng legasiya sa kanilang organisasyon.
“The recent moves taken by the high tribunal are a breath of fresh air. The (Chief Justice Alexander) Gesmundo court is distinguishing itself as an activist court,” ani Rodriguez.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng Administrative Matter 21-06-08-SC na inilabas ng SC na nag-oobliga sa mga pulis na magsuot ng body camera kapag nagsisilbi ang mga ito ng search warrant at sinoman ang lalabag dito ay may katapat na kaparusahan.
Naniniwala ang mambabatas na dahil sa kautusang ito ng Kataas-taasang Hukuman ay mababawasan ang karaniwang sinasabi ng mga pulis na nanlaban ang target sa kanilang operasyon kaya ito namatay.
“The use of excessive force often results in the killing of suspects, who warrant servers claim put up a fight or nanlaban, which the suspects or their families dispute. We hope these scenarios would soon be a thing of the past,” ani Rodriguez. (BERNARD TAGUINOD)
171 