UMAASA si Senador Imee Marcos na kasama sa mga tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) ang problema sa mataas na singil sa kuryente at tubig, at ang mataas na presyo ng mga bilihin gayundin ang malawakang kawalan ng trabaho.
Ipinaaalala ni Marcos na naghihintay ng kasagutan ang taumbayan sa usapin ng mataas na singil sa kuryente at tubig na ipinatupad ng Meralco, Maynilad at Manila Water simula nang manalasa ang COVID-19 noong buwan ng Marso.
Ayon kay Marcos, nagdulot ang pandemya ng malawakang unemployment at kailangang mabigyan ng solusyon kung papaano matutugunan ng pamahalaan ang malaking problema sa sektor ng paggawa.
Umaasa ang senador na sa SONA ay mabibigyang kaliwanagan ang mga problemang kinakaharap ng bansa. (DANG SAMSON-GARCIA)
329
