Kaya pinayagang makalabas WELL-BEING NG MINORS TUTUKAN SA PANDEMYA

KAILANGANG i-promote ang well-being ng mga bata kaya pinayagan ng pamahalaan na lumabas para sa ilang aktibidad ang mga batang limang taong gulang pataas na nasa piling mga lugar.

Gayunman, bawal pa rin sila sa loob ng mall.

“Cause benefit analysis po ito kahit sino ikulong mo sa bahay ng mahigit isang taon ay magkakaroon po yan ng epekto sa mental health kaya nga po ang atin dahilan kung bakit pinayagan ang limitadong lumabas sa mga outdoor areas ay dahil kinakailangang i-promote ang well-being ng mga bata lalo na ang kanilang mental health,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Aniya, ang pagpayag sa mga bata na lumabas sa open areas ay resulta ng isang desisyon na binuo matapos ang payo ng mga dalubhasa.

Inamin ni Sec. Roque na may banta ng Delta variant sa bansa kaya ang mga batang lalabas ay kailangan i-supervise pa rin ng adults o ng matatanda at kinakailangan ang pag-obserba sa minimum health standard.

Sa kabilang dako, magpapalabas ng dagdag na panuntunan ang Metro Manila mayors kaugnay sa pagpayag na makalabas na ang limang taong gulang pataas. (CHRISTIAN DALE)

158

Related posts

Leave a Comment