KONSEHAL NG TAYABAS INIREKLAMO NG PANGHIHIPO

QUEZON – Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness at sexual harassment ang isang miyembro ng city council ng Tayabas matapos ireklamo ng isang 22-anyos na dalagang empleyado ng Tayabas City Hall.

Kinilala ang inireklamo na si City Councilor Dino Marquez Romero, 51-anyos.

Batay sa reklamo noong Martes ng dalaga sa himpilan ng pulisya, dakong alas-2:00 ng hapon, nasa kusina siya ng SP building at naghuhugas ng kanyang tasa nang pumasok ang konsehal.

Bigla na lamang umano siyang niyakap ng konsehal sa likuran at pinaghihipuan ang kanyang dibdib.

Natigil lamang ang pangmomolestiya ng konsehal nang tangkain niyang sumigaw at humingi ng tulong.

Inihahanda na ng Tayabas PNP ang kaso laban sa opisyal.

Hindi pa naglalabas ng anumang pahayag ang konsehal hinggil sa pangyayari. (NILOU DEL CARMEN)

792

Related posts

Leave a Comment