KONTROBERSYA SA PMVIC PINAIIMBESTIGAHAN

PINAIIMBESTIGAHAN sa bagong pamunuan ng Department of Transportation ang lahat ng transaksyon sa Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) noong administrasyon nina dating DOTr Secretary Art Tugade at Undersecretary Artemio Tuazon.

Sa press conference, Martes ng umaga ng grupo ni Jun Evangelista, presidente ng Alagaan Natin Inang Kalikasan (ANI KALIKASAN) na isang Clean Air Advocate, nais ng mga itong maipaabot ang kanilang sentimyento kay DOTr Secretary Jaime Bautista.

Dapat aniyang silipin ni Bautista ang ginawa ng dating administrasyon na revocation at cancellation dahil sa imaginary requirements na hindi makikita sa DOTR Department Order No. 2012-10.
“We, all the members of our PETC Community now look upon the Honorable as our beacon of hope, strength and belief that finally, PETCs would be heard and given a level playing field. Officers and key members will be more than willing, keen and even look forward to a personal audience with the Honorable Secretary Bautista and Land Transportation Chief Assistant Secretary to provide more specifics and enlightenment on the tragic plight of the PETC community for the past (6) years and continued commitment and support for the new Administration,” pahayag ni Evangelista.

Ang tunay aniyang dahilan sa revocation at cancellation ng PETC’s ay ang Department Order 2018-019 and Amended DO 2019-002 na direktang nagparalisa sa 1,300 miyembro sa buong bansa na pinalitan ng tinatayang maswerteng 138 PMVICs na namayagpag sa kani-kanilang piniling lungsod. Sa bagong circular aniya, naging batas na isang PMVIC lamang ang mag-ooperate sa isang major city sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Binatikos ng grupo ang PMVICs dahil kulang umano ito sa legalidad lalo na ang inspection fees na P1,500 plus P900 kung hindi pumasa sa testing  kumpara sa P300 na singil ng PETCs. Sa naturang fees ay sandamakmak ang naging reklamo kaya binawasan ito at ibinaba sa P600 pero mas mahal pa rin ito ng 50% sa singil ng PETC.

Matatandaang umabot din sa Kongreso ang usapin dahilan para magsagawa ng Congressional inquiries sa sobrang paniningil ng PMVICs.

Sa ngayon ayon kay Evangelista, naghahanda ang kanilang grupo sakaling matuloy na imbestigahan ang nasabing proyekto ng dating pamunuan ng DOTr upang maibahagi nila ang ilang mahahalagang dokumentong hawak nila na makapagpapatunay sa korapsyong bumalot sa kontrobersyal na PMVIC.

Nagbabala rin ang grupo na isasapubliko nila ang kanilang mga pinanghahawakang ebidensya kapag walang umusad na imbestigasyon simula sa darating na Setyembre 15. (ENOCK ECHAGUE)

122

Related posts

Leave a Comment