SIMBANG GABI NG CCP MULING NAGBABALIK, PASKO 2021 LIGHTS AND SOUND SHOW ILULUNSAD

Dahil mas relaxed ngayon ang alert level dala ng COVID-19 sa Metro Manila, muling ibinabalik ng Cultural Center of the Philippines ang kanilang tradisyon ng Simbang Gabi na real-time at on-site.

Sa pakikipagtulungan ng Our Lady of Sorrows Parish at iba pang hermanas (sponsors) sa paligid ng Complex, ang Misa de Gallo ay gaganapin sa Disyembre 16 hanggang 24, 2021, ala-5 ng umaga sa CCP Main Ramp.

Ang Misa de Aguinaldo (Christmas Eve Mass) ay gaganapin sa Disyembre 24, alas-8 ng gabi sa CCP Main Theater, na may pre-mass program. Ito ay ibo-broadcast sa CNN Philippines channel.

Dahil sa encouraging feedback mula sa nakaraang virtual Simbang Gabi, binago ng CCP ang kanilang partnership sa iba’t ibang simbahan mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa upang ipagdiwang ang inaabangang misa sa Simbang Gabi.

Ang Anticipated Mass mula sa mga rehiyon, mula Disyembre December 15 hanggang 23, sa ganap na alas-9 ng gabi, ay sabayang naka-stream sa CCP Facebook Page at CNN’s Kumu App.

Ang mga tampok na simbahan ay: Sto. Niño Parish sa Pandacan, Manila (Dec. 15); St. Catherine of Alexandria Cathedral Parish sa Dumaguete City (Dec. 16); National Shrine of Our Lady of Candles (Jaro Metropolitan Cathedral) sa Iloilo (Dec. 17); Holy Cross Parish (Margot) sa Angeles City, Pampanga (Dec. 18); Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sa Cebu (Dec. 19); St. Francis Xavier Parish sa Cagayan de Oro City (Dec. 20); Our Lady of Piat Basilica sa Piat, Cagayan (Dec. 21); Archdiocesan Shrine of Sto. Niño sa Tacloban City (Dec. 22); at St. Gregory the Great Cathedral Parish sa Daraga, Albay (Dec. 23).

Ang Ramon Obusan Folkloric Group’s Pastores, isa muling pagsasadula ng kagalakan ng mga pastol sa pagsilang ng Mesiyas, ay isasadula bago ang mass streaming.

Samantala, ang Sentro ay maglulunsad din nga kanilang taunang Christmas lighting event, na tinawag na “PASKO 2021: The CCP Façade Lights and Sound Show,” sa Disyembre 15, ala-7:00 ng gabi sa Main Building Façade. Ang paglulunsad ay live streamed sa CCP Facebook Page.

Dinisenyo ng Technical Team mula sa CCP Production Design at Technical Services Division, ang taunang holiday event ay nagtatampok sa imahe ng Pasko at sa sinisimbolo nito, gayundin ay may mga tutuging Pamasko.

Ang onsite launching program ay magiging streamed live sa CCP’s Facebook page sa Disyembre 15, 2021 sa ganap na ala-7:00 ng gabi. Ang onsite shows ay magpapatuloy hanggang January 2, 2022 sa ganap na ala-7:00, 8:00 at 9:00 ng gabi. Walang pagtatanghal tuwing Lunes at tuwing masama ang panahon.

Samahan kami at ipagdiwang ang panahon ng pananalig, pag-asa, kasiyahan at pag-ibig!

Para sa Christmas activities, ang CCP ay istriktong susunod sa IATF guidelines. Ang Sentro ay magpapatupad ng 70 per cent outdoor capacity para sa Misa de Gallo (CCP Main Ramp), at 50 per cent venue capacity para sa Misa de Aguinaldo (CCP Main Theater).

Sa pagpapanatili ng New Normal at mataimtim na selebrasyon ng tradisyong ito, mangyaring basahin ang CCP’s new normal health protocols sa http://bit.ly/CCPNewNormalProtocol.

Hashtag: #CCPSIMBANGGGABI2021 #CCPSIMBANGGABI #CCPLive #CCPPasko2021

195

Related posts

Leave a Comment