ANTAS NG EKONOMIYA IAANGAT NI BBM

bbm

MAS mapataas ang antas ng ekonomiya ng bansa ang pangako ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos kapag siya ay pinalad na manalo sa darating na halalan. Ayon kay Marcos, nais niyang mapabilis ang sistema ng pamahalaan sa oras na maupo na ang bagong administrasyon upang agarang masimulan ang pagpapabalik ng sigla ng ekonomiya ng bansa. “Lagi kong sinasabi na ang ambisyon ko ay dalhin ang Pilipinas hindi kung saan tayo nanggaling, yung kalagayan natin bago magkaroon ng pandemya, kundi pasikatin at lalo pang pasiglahin ang ating ekonomiya,” sabi niya. Nang…

Read More

PAGRESOLBA SA TRAPIK PINAPAPASPASAN NI PRRD

HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bilisan ang ginagawang pag-aaral para mabawasan pa ang trapik sa National Capital Region (NCR) Sinabi ni Pangulong Duterte kay MMDA Chairman Romando Artes na agad magsagawa ng pag-aaral at mula ruon ay marepaso na ng mga eksperto ang mga pinaplanong hakbang. Ayon sa Chief Executive, tinutumbok niya rito ang mga competent authorities na konektado at may sapat na kaalaman para makamit ang target na mahanapan na ng solusyon ang trapik sa NCR at Greater Manila Area. Batay…

Read More

SOLAR POWER MAKABABAWAS NG P40-B GASTOS SA KURYENTE

IMINUNGKAHI ni Sen. Joel Villanueva na pag-aralan ng pamahalaan ang pag-install ng mga solar panel sa mga gusali nito at pampublikong paaralan. “Kung magkakaroon po ng solar power program ang gobyerno, makakatipid tayo ng bilyong-bilyong piso, makapagpa-aral tayo ng milyon-milyong estudyante, at makakalikha tayo ng libo-libong trabaho,” sabi ng senador. Ito ang panawagan ni Villanueva nang mapuna ng senador na tumaas ang gastos sa kuryente ng pamahalaan, na P40.06 bilyon noong 2019 mula sa P34.58 bilyon noong 2017. “Kung tutuusin po, ang P40 bilyon ay 21 beses na mas malaki…

Read More

TASK FORCE LABAN SA FAKE NEWS NG COMELEC UMANI NG SUPORTA

SUPORTADO ni Senador Risa Hontiveros ang hakbang ng Commission on Elections (Comelec) na bumuo ng task force laban sa pagpapalaganap ng maling impormasyon at fake news. “As a victim of fake news myself, I support efforts to combat disinformation and fake news,” saad ni Hontiveros. Bukod sa task force, hinimok din ni Hontiveros ang gobyerno na pag-aralan ang best practices sa ibang bansa sa paglaban sa fake news at ipatupad ito sa Pilipinas. Kasabay nito, iginiit naman ng mambabatas na hindi kakayanin ng gobyerno mag-isa ang kampanya laban sa fake…

Read More

SABLAY SINA ISKO, CARPIO, LENI AT MGA DILAWAN SA MARCOS ESTATE CASE

NITONG nakaraang ilang araw at linggo ay kapansin-pansin ang sobrang pagsakay nina Isko Domagoso, dating SC Justice Antonio Carpio at Leni Robredo kasama ang mga kampon ng mga dilawan, sa isyu ng umano ay P203-B estate tax ng mga Marcos. At dahil nga wala silang ibang pakay kundi gibain ang kandidatura ni presidential frontrunner Bongbong Marcos, ay pinipiga nila nang husto ang isyu at pinalalabas pa na hindi sila nagbabayad ng dapat bayaran sa gobyerno. Siyempre naman ay pa­niwalang-paniwala ang mga kampon ng mga kalaban sa kasinungalingang pilit na ipinakakalat…

Read More

PAHIYA ANG CHINA

NOONG 2020 nagpadala ang China ng kanilang health experts kuno sa Pilipinas para tumulong sa pagsugpo sa ­COVID-19 na nagsimula sa Wuhan, China hanggang sa kumalat sa buong mundo. Hindi kagandahan ang assessment ng medical experts kuno ng China sa Pilipinas sa preparasyon sa pandemya dahil wala raw tayong sapat na pasilidad para sa mga magkakasakit. Sa awa ng Diyos at sa tulong ng western countries ay nalag­pasan natin ang pandemya matapos ang dalawang taon na nagdulot ng paghihirap ng sambayanang Pilipino at ikinamatay ng halos 60,000 katao. Hindi na…

Read More

LEA MARIE CRUZ-TORRES MAGTAGO KA NA!

TINUTUGIS na ngayon ng mga awtoridad si Lea Marie Cruz-Torres, may-ari ng Bardagulan FB Page na nag-post ng ‘PEKENG QUOTE CARD KAY VINNY MARCOS’. Ikaw ngayon ang mababardagul ‘pag natiklo ka ng mga pulis. Nitong nakalipas na Biyernes, isang peke at mapanirang impormasyon na naman ang inilabas sa social media ng mga kalaban ni Marcos. Ito ang post sa Bardagulan FB Page ni Lea Marie Cruz-Torres: ‘Sa anak na nya galing yan ha. Ngayon nyo sabihin na hindi addict ang kandidato nyo. He WAS an addict but NOT anymore. He…

Read More

DINASTIYA SA PARTY-LIST

SA loob ng mahabang panahon, naging ­kanlungan ng malalaking angkan ng mga politiko ang party-list system kung saan halos sila-sila rin lang ang nominado. Ano nga ba ang political dynasty? Ang political dynasty ay isang pamilya ng mga politiko sa isang lugar at naipapasa sa kanilang kapamilya ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan. Kabilang sa mga bansa kung saan legal ang political dynasty ay ang Tsina, Japan, Inglatera North Korea at Espanya. Ang totoo, mahigpit na itinatakwil sa ilalim ng Saligang Batas ang political dynasty. Subalit dahil pinamamahayan din ng angkan…

Read More

UAAP Season 84 men’s basketball 3rd STRAIGHT WIN TARGET NG UST

ASAM ng University of Santo Tomas Growling Tigers na ipagpatuloy ang pagragasa sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa naka­takdang duwelo nila ngayon (Martes) ng De La Salle University Green Archers sa Mall of Asia Arena. Unang aaksyon sa quadruple-header games, sa pagbabalik ng fans sa venue, ang Growling Tigers at Green Archers sa alas-10 ng umaga. Kasalukuyang may 2-2 win-loss record ang UST, habang isa pa lang ang talo ng La Salle, 3-1. Nitong Sabado ay nakuha ng Tigers ang back-to-back wins nang lapain ang Adamson University ­Soaring…

Read More