TATAGAL ng mahigit isang oras ang panlimang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Bagama’t wala naman sa una at pangalawang rehearsal si PCOO Sec. Martin Andanar dahil sa limitado lamang ang nakasaksi sa rehearsal ng Pangulo ay tantiya niya na tatagal ang SONA ng Punong Ehekutibo ng isang oras at 20 minuto.
Iyon nga lamang aniya ay prerogative na ng Pangulo kung maga-adlib ito sa pagitan ng kanyang speech.
Samantala, ang SONA aniya ng Pangulo ay mailalarawan bilang “one that is full of optimism and hope.”
“As in the past SONAs, the President may discuss the achievement of the administration to date until the emergence of the COVID-19 pandemic. The President will also talk about the effects of the pandemic on our economy. He will give a special mention, perhaps, to all of the frontliners who are leading our fight against the COVID-19,” ang pahayag ni Sec. Andanar.
Posible rin aniyang talakayin ng Pangulo ang resolutions at bills na itinutulak ng administrasyong Duterte gaya ng Malasakit Act at Salary Standardization.
Maaari rin aniyang talakayin ng Punong Ehekutibo ang iba’t ibang subsidy programs ng mga frontline agencies at kanilang beneficiaries; enactment ng Bayanihan Law at COVID-19 response programs ng pamahalaan.
Inaasahan din na tatalakayin ng Chief Executive ang good fiscal management ng pamahalaan sa kabila ng pandemiya at maaari ring ilatag ng Pangulo ang mga konkretong plano para palakasin
ang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa pandemiya na magpapagalaw sa ekonomiya tungo sa socio-economic recovery.
At traditionally, tatalakayin din ng Pangulo ang kanyang legislative agenda sa kanyang SONA.
Kasabay nito, tiniyak ng kalihim na magsisimula ng alas-4 ng hapon ang SONA ng Pangulo.
“It will still begin at 4 P.M. – the usual tradition of having the Speaker of the House and the Senate President opening the floor for everybody. And there will also be the flag ceremony and the
usual prayer, and then the President will just breeze through his speech,” ayon kay Andanar. (CHRISTIAN DALE)
135
