LADY ELECTION OFFICER NILIKIDA

ZAMBOANGA DEL NORTE – Dead on the spot ang isang poll officer ng Commission on Elections nang pagbabarilin sa bayan ng Piñan, sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Zamboanga Del Norte PNP, Huwebes ng gabi ng likidahin si Maricel Peralta, 45, Comelec officer sa Mutia, ng nasabing lalawigan.

Ayon sa mga awtoridad, nagmamaneho ng sasakyan at pauwi sa Dapitan City ang biktima kasama ang isang assistant election officer, nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa ginagawang tulay ng Barangay Lapu-lapu sa Piñan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang at posibleng pagkakakilanlan ng mga salarin. (JESSE KABEL)

248

Related posts

Leave a Comment