Lady jail officer inireklamo ang kabaro ‘MINANYAK’ SA BJMP QUARANTINE FACILITY

BATANGAS – Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness ang isang lalaking BJMP personnel matapos molestiyahin ang babaeng kapwa jail officer sa COVID-19 isolation facility sa BJMP-Sico sa Barangay San Jose Sico, Batangas City.

Ayon sa biktimang jail officer, 28-anyos, nakatalaga sa female dormitory ng BJMP-Sico, nangyari ang pang-aabuso sa kanya ng suspek na si JO3 Dennis Dulfo, 42, nakatalaga naman sa male dormitory, noong Hunyo 6, habang sila ay parehong nasa quarantine facility ng naturang BJMP makaraang pareho silang magpositibo sa COVID-19.

Dakong alas 4:00 umano ng hapon habang siya ay nasa kusina, nang lapitan siya ng suspek na noon ay lasing at siya ay paghihipuan sa kanyang binti, balikat at likod saka pinaghahalikan siya sa leeg at balikat.

Pumalag ang biktima at nagtungo sa kanyang quarantine cell ngunit sinundan umano siya ng suspek at muling pinaghahalikan.

Nang makalabas sa quarantine facility nitong Lunes, agad nagsumbong sa pulisya ang biktima at nagsampa ng kaso laban sa suspek. (NILOU DEL CARMEN)

266

Related posts

Leave a Comment