KINUKWESTYON ngayon ang Kapamilya stars na sina Elisse Joson and Sofia Andres kung ano na ang nangyari sa maganda nilang pagkakaibigan. The two actresses used to be the best of friends but seemed to have unfollowed each other on Instagram.
In Elisse’s Instagram account, marami ang nakapansin that Sofia’s account is not included in her following list while Sofia does not seem to be following Elisse as well. Mukhang they have “unfollowed” each other on Instagram na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon at espekulasyon. Sina Elisse at Sofia ay kabilang sa most followed young celebrities on Instagram, respectively having 2.3 million and 4.3 million followers. Bukod sa pareho pa silang contract stars ng ABS-CBN.
Kaya naman iisa ang tanong ng kanilang mga tagahanga. Is there a gap between the two of them? Lalaki raw ba ang dahilan ng pagkasira ng maganda nilang pagkakaibigan? Ano ba talaga ang issue nilang dalawa?
Well, sana naman ay bigyang kasagutan nina Elisse at Sofia ang tanong ng kanilang mga supporters at maayos na nila ang kung anumang hindi nila pinagkasunduan.
