LALAKI NATUHOG SA GATE

LAGUNA – Patay ang isang lalaki matapos na matuhog ng matulis na bakal sa gate ng kanilang bahay sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat, Sabado ng gabi nang madiskubre ng kanyang kapitbahay ang bangkay ng biktimang si Daniel Lopez na nakasabit sa gate ng kanyang bahay sa Roseville Subdivision, Barangay Dita.

Nakatuhog sa dibdib nito ang matulis na grill na bakal.

Wala namang nakakita kung paano natuhog ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ng mga awtoridad kung may foul play sa pangyayari. (NILOU DEL CARMEN)

191

Related posts

Leave a Comment