PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Linggo ng hapon, Marso 22.
Kinilala ang biktimang si alyas “Salbakuta”, 35-anyos, naka-backride sa motorsiklo ng kanyang kaibigan.
Ayon sa ulat, biglang sumulpot ang mga suspek at pinaputukan ang biktima bandang alas-3:20 ng hapon malapit sa riles ng tren.
Natadtad ng bala ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay habang mabilis namang tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.
Patuloy na nire-review ang mga CCTV at iniimbestigahan ang posibleng motibo sa krimen.
Nagsasagawa ng follow-up operation ng pulisya laban sa mga suspek na nananatiling at large, habang isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang insidente.
(NILOU DEL CARMEN)
92 