LAO TATAKAS?

WALANG indikasyon na wala na sa Pilipinas si dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Christopher Lloyd Lao, na nasa ilalim ngayon ng Senate probe ukol sa bilyong halaga na COVID-19 pandemic supplies na binili umano ng gobyerno mula sa maliit na kumpanya.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque Jr. ay matapos hilingin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Richard Gordon ang pagpapalabas ng hold departure order para kay Lao dahil sa di umano’y pagtatangka nitong umalis ng bansa.

“Hindi ko po alam kung nasaan siya, pero nakausap ko po siya sa telepono,” ayon kay Sec. Roque.

“Walang indikasyon na wala siya sa bansa,” dagdag na pahayag nito.

Kapwa nabanggit nina Lao at Roque na ang COVID-19 pandemic supplies ay binili mula sa Pharmally at ang Pharmally ang nakakuha ng bilyong halaga ng kontrata base sa kalidad, affordable price at kakayahan na mai-deliver ang goods gaya ng personal protective equipment sa tamang oras. (CHRISTIAN DALE)

215

Related posts

Leave a Comment