LGUs PINAGHAHANDA SA HABAGAT SEASON

ALINSUNOD sa ibinabang direktiba ni President Ferdinand R. Marcos, Jr., inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na paghandaan ang epekto ng iiral na Southwest Monsoon (Habagat) kasunod ng abiso ng state weather bureau na mararanasan ang malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Ayon sa DILG, kailangang paghandaan ng mga lokal na pamahalaan ang posibleng epekto ng masamang panahon dulot ng habagat. Ito ay kasunod ng pagdeklara ng PAGASA ng opisyal na pagsisimula nang tag-ulan.

Sa isang memorandum, inatasan ng DILG ang LGUs na tiyaking handa ang kanilang emergency teams, evacuation centers, at contingency plans.

Kailangan din na magsagawa ng mga drill at paigtingin ang pagbabantay sa mga lugar na delikado sa baha at landslide.

Nabatid na ang memorandum ay bahagi ng Operation L!sto program ng ahensya na layong gawing mas matatag at ligtas ang mga komunidad laban sa kalamidad.

“DILG urged LGUs to adopt proactive measures anchored on the Operation L!sto protocols for hydrometeorological hazards to minimize risks to lives, property, and the local economy,” ayon sa memorandum circular.

Ang LGUs ay inatasan na tiyakin ang kahandaan ng Emergency Operations Centers na may sapat na tauhan at kagamitan, at iaktibo ang Local Incident Management Teams na sinanay sa Incident Command System.

Ang Operation L!sto ay flagship disaster preparedness program ng DILG na nagsusulong ng whole-of-government approach sa matatag na local governance.

(JESSE KABEL RUIZ)

48

Related posts

Leave a Comment