LGUs PINAGLALAAN NG COMMON AREA SA FIREWORKS DISPLAY

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang local government units na lumikha o maglaan ng common area para sa fireworks display para sa pagsalubong sa Bagong Taon.

“Ang gawin na lang natin ay I will enjoin the LGUs, instead of allowing our people to have their own firecrackers, gumawa na lang kayo ng magandang fireworks display para sa inyong mga constituent,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.

Pinaalalahanan naman niya ang mamamayan ukol sa panganib at epekto sa kalusugan ng paggamit ng paputok lalo na iyong magreresulta ng “reckless and indiscriminate use of dangerous firecrackers.”

“Huwag muna tayong magpaputok at alam naman natin kung minsan delikado ‘yan. Lalo ngayon at maglalabas sila ng mga paputok na hindi natin alam kung saan galing, kung maayos ang pagkagawa,”ayon Kay Pangulong Marcos.

Samantala, sinabi ng Department of Health (DoH) na ang lahat ng ospital ay nasa high alert level para sa mga indibidwal na may “injuries at emergencies” na nangyayari tuwing ipinagdiriwang ang Bagong Taon.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), bumaba ang firecracker-related injuries sa bansa sa nakalipas na mga taon sa selebrasyon ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong 2020 nakapagtala sila ng 122 cases ng firecracker-related injuries habang 128 kaso sa nakaraang taon.

Sa panig naman ng Philippine National Police (PNP), nagpapatuloy ang pagsasagawa nila ng cyber patrol, confiscation at destruction ng mga banned o bawal na firecrackers at pyrotechnics para protektahan ang publiko. (CHRISTIAN DALE/RENE CRISOSTOMO)

209

Related posts

Leave a Comment