MAAARI nang bumili ang Local Government Units (LGUs) ng rapid test kits na gagamitin sa pag-screen ng mga taong posibleng nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na aprubado ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
“Alinsunod po ito sa sinabi ng Presidente, siya po ang mananagot sa paggamit ng rapid test kits,” ayon kay Sec. Roque.
Ang Rapid test kits ay maaari lamang maka-detect ng antibodies na nilikha (produced) ng katawan para labanan ang virus hindi gaya ng RT-PCR testing na maaaring maka-detect ng SARS-CoV-2, ang virus na dahilan ng COVID-19.
Noong nakaraang buwan, sinabi ng Department of Health (DoH) sa pamamagitan ng isang circular na ang public o private institutions ay hindi pinagbabawalan na bumili at gumamit ng rapid test kits na aprubado ng Food and Drug Administration sa kondisyong kailangan na sundin lamang ang FDA at DOH guidelines sa paggamit ng kits.
Kailangan din na makipag-ugnayan muna sa local health authorities bago bumili at gamitin ang nasabing kits. CHRISTIAN DALE
