LIBRENG CREMATION SA NAMATAY SA COVID-19 SA MAYNILA

INANUNSIYO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na libre ang cremation sa mga namatay dahil sa COVID-19 sa Manila North Cemetery sa Blumentritt St., Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa alkalde, para lamang sa mga residente ng Maynila na may namatay na kaanak dahil sa COVID-19, ang libreng cremation.

Layunin nitong mapagaan ang pasanin ng mga residenteng namatayan ng kaanak dahil sa COVID-19.

Sinabi pa ng alkalde, upang ma-avail ang libreng cremation ay kailangan lamang na ipresinta ang death certificate, ID ng miyembro ng pamilya o kamag-anak at dokumento na nagpapatunay na ang ikinamatay ng pasyente ay COVID-19.

Ang libreng cremation program ay bahagi ng tulong ng lokal na pamahalaan sa mga mahihirap na residente ng Manila na namatayan ng kaanak dahil sa COVID-19.

Samantala, inihinto muna ng lokal na pamahalaan ang mass vaccination kontra COVID-19 dahil naubos na ang supply ng bakuna.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 64,723 ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa Maynila na nasa A1, A2 at A3 priority group. (RENE CRISOSTOMO)

261

Related posts

Leave a Comment