PAANO MAWAWALA ANG MANTSA NG KAPE?

Ni Ann Esternon

 

Masarap magkape at walang oras itong pinipili. Pero sa lagayan ng iinuming kape, dapat ba’ng mamili rin?

Oo ang sagot kung ang pinag-uusapan natin ay tungkol sa kalinisan. Kahit ito ay mug, maliit na tasa, o baso – babasagin man o hindi – mahalagang malinis ito at tanggal pati ang mantsang iniwan ng kape.

Iba’t ibang paraan para mawala ang mantsang iniwan ng kape o tsaa sa container:

Ang unang dapat gawin ay sabunan ang lagayan tulad ng nakasanayan. Gamitan ito ng sabon at sponge saka banlawan at sundin ang anomang sumusunod na solusyon.

– Maglagay ng bleach, mga 1/8 size ng lagayan. Pwedeng haluan ito ng kaunting tubig ngunit mas magandang purong bleach ang gagamitin para tanggal pati ang germs na nasa lagayang may mantsa.

Matapos nito, marahang alugin ito nang paikot. O hayaang ang isang side muna ang nakababad sa bleach habang nakatagilid ang tasa ngunit iwasan itong matapon. Matapos ang limang minuto ay ibang side naman ang ibabad hanggang sa malinis ang ibang side. Mapapansin na habang nakababad ang lagayan ay nawawala ang mantsa nito. Banlawan at sabunan gaya ng nakaugalian saka muling banlawan nang maigi.

– Makatutulong ang din ang suka sa pagpapaputi ng lagayan. Magbuhos lamang dito ng kumukulong tubig hanggang makalahati ang lagayan. Punuin ito sa paglagay ng suka at ibabad ng 10 minuto. Agad na gamitin ang solusyon na ito sa iba pang lagayang may matsa ng kape o tsaa. Ang mga lagayan ay agad ding kuskusin gamit ang abrasive sponge. Sabunin ito at banlawan.

– Solusyon din ang pagbudbod ng baking soda sa lagayan. Maglagay lamang ng sapat na dami ng baking soda sa lagayan at buhusan ito ng kaunting tubig para makabuo ng paste. Ikuskos ito sa bawat side ng loob ng lagayan. Banlawan at sabunan din ito gaya ng nakaugalian saka banlawan nang maigi.

668

Related posts

Leave a Comment