Ni Ann Esternon
Marami sa atin ang sarap na sarap sa keso at ito ay sagana sa nutrisyon na mapapakinabangan para sa maayos na kalusugan at pangangatawan.
Ang keso ay magandang pagkunan ng protina, calcium at fat.
Hindi rin tayo mabibigo sa sustansyang taglay nito tulad ng Vitamin A, B6 at B-12, C, D, E, zinc, phosphorus, at riboflavin. Ang mga ito ay mahalaga sa pagpapatibay din ng ating kalusugan lalo na sa mga bata.
Ang lahat ng uri ng keso ay may iba’t ibang level ng sodium kaya mainam na in moderation din ang pagkain natin dito.
Isa ring benepisyo ng pagkain ng keso ay nagbibigay ito ng magandang kalidad ng pagtulog. Kainin ito 30 minuto bago mahiga sa kama.
Sinasabing may 2,000 klase ng keso pero ang pinakamasusuntasya rito ay ang mozzarella cheese, parmesan, cheddar, Swiss, blue cheese, ricotta, cottage cheese, feta, at keso na galing sa kambing.
931