LIQUID SHABU TALAMAK ONLINE

MULING nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa pagkalat at pagbebenta ng injectable liquid shabu sa pamamagitan ng social media.

Kasunod ito sa pagkakakumpiska ng PDEA Special Enforcement Service (SES) sa 26 heringgilya na may lamang liquid shabu, sa buy-bust operation sa harap ng isang kilalang fastfood restaurant sa Mandaluyong City noong Pebrero 20.

Ayon sa PDEA, bawat heringgilya ay naglalaman ng 10.4 milliliters na liquid shabu.

Lumabas sa imbestigasyon, ipinakakalat ng mga suspek ang pagbebenta ng ilegal na droga sa pamamagitan ng iba’t ibang social media sites tulad ng Twitter, Romeo at Grindr.

Kadalasang bumibili sa mga suspek ang kanilang mga kliyente gamit ang text message o call messaging applications sa Facebook, Skype, Romeo at Grindr.

Sinabi naman ni PDEA Director General Aaron Aquino, nagkakahalaga ang bawat heringgilya ng P1,000.

Bukod dito, nag-aalok din ang mga suspek na pag-inject sa halagang P300.

Kasunod nito, tiniyak ni Aquino na hindi hihinto ang PDEA para matuldukan ang drug trafficking sa bansa.

“Drug dealers have become brazen in publicly advertising and selling their illicit products online or through social media. Rest assured that PDEA will be relentless in stopping this method of drug trafficking,” saad ni Aquino. (JG TUMBADO/JESSE KABEL)

 

 

316

Related posts

Leave a Comment